Pagkokonsepto ng mga Deboto sa Pananalig sa Batang Hesus Elsie T. Alvarado, Da Abstract-This study aims to formulate a collective concept of faith to Santo Niño from the different contexts of the devotees in Cebu. It specifically answers three aspects; meaning of faith, experiences of faith, effects to life. Qualitative design was used in the study through katutubong pamamaraan ni Enriquez (1975) such as pakikipag-usap, pagtatanung-tanong and pakikipagpalagayang-loob. The study anchored in Filipino Psychology of Enriquez (1975) that refers to the psychology born out of the experience, thought and orientation of the Filipinos, based on the full use of Filipino culture and language. The approach is one of "indigenization from within" whereby the theoretical framework and methodology emerge from the experiences of the people from the indigenous culture (Pe- Pua, et al. 2000). The findings of the study reveal that the devotees beliefs to miracles of Santo Niño made them believe to the saint. Because they get miracles by the saint, it intensifies their faith that resulted to become more positive in life. Based on the findings, the study concluded that the faith of the devotees is connected to all miracles experienced from the saint that lead them to be more optimistic in life. Thus, the study recommends that the relationship of faith and devotion will be focused in the future studies. Keywords: context, faith, devotees, experience, effects to life. Abstract sa Filipino-Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makabuo ng kolektibong konsepto sa pananalig kay Santo Niño mula sa iba't ibang konteksto ng mga piling deboto. Tiniyak na masagot ang kahulugan ng pananalig, karanasan sa pananalig at epekto sa buhay ng mga deboto. Ginamit ang katutubong pamamaraan na pakikipag-usap, pagtatanungtanong at pakikipagpalagayang-loob ni Enriquez (1975) upang mabigyang-linaw at mapagtibay ang mga impormasyon mula sa iba't ibang tao. Isinagawa ang pakikipagpalagayangloob bago ang aktwal na pagtatanung-tanong dahil isang mahalagang sangkap ito sa isang katutubong metodo. Nakaangkla ang pag-aaral sa teoryang sikolohiya ni Enriquez (1975). Natuklasan sa pag-aaral na ang piling deboto ng Santo Niño ay nananalig sa santo dahil sa mga himalang ipinagkaloob ng santo sa kanila na mismong nangyari at naranasan sa buhay ang pagtugon sa kanilang mga kahilingan. Nang dahil sa daming mga ipinagkaloob na dasal ay mas tumindi ang kanilang pananampalataya sa santo na nagbubunga ng pagiging positibo sa pagtingin sa buhay. Batay sa natuklasan, napatunayan na ang konteksto sa pananalig ng mga piling deboto sa Santo Niño ay may malaking ugnayan sa himalang natanggap na naranasan na nagsisilbing gabay sa pagiging positibo sa buhay. Kaya, inirekomenda ng pag-aaral sa bigyang tuon sa susunod pang pag-aaral ang ugnayan ng debosyon sa pananalig kay Santo Niño. Mgasusing Salita: pagkokonteksto, pananalig, deboto, karanasan at epekto sa buhay . I. # Introduksyon ng debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas. Ang mga deboto ay naglalakbay taon-taon sa Basilica upang makilahok sa prusisyon at sa kapistahan. Kilala ang mga debotong Cebuano sa matinding pananalig sa batang Hesus, si Sr. Sto Niño na umabot na rin iba't ibang panig ng mundo tulad ng Amerika, Espanya, Italya at sa kasalukuyan sa Indonesia, Korea at Japan. Ang debosyon sa Santo Niño ay tumagal at sumulong sa kultura ng Pilipinas sa pagdaan ng mga siglo lalo na sa rehiyon ng Visayas. Ang mga deboto ay naglalakbay taon-taon sa Basilica upang makilahok sa prusisyon at sa kapistahan. Libo-libong mamamayan mula sa iba't ibang panig ng Cebu ang sadyang pumupunta sa simbahan tuwing Biyernes dahil ito ang araw ng santo maging mga dayuhan. Tuwing unang Biyernes ng buwan ang itinuturing na pinakamahalagang araw ng santo na pinaniniwalaan na naghihimala ang santo at bawat oras ay may misang inilalaan katulad sa linggo. (Miranda 1987). Napakahalaga sa pananampalataya ang pagkilala at nasasalamin ito sa isang personal na relasyon ng mga tao sa Diyos. Sa pag-analisa ni Miranda (1987) sa pananampalataya, ang "pananam" sa pananampalataya ay maaaring tumukoy sa "lasa." Tumutukoy ang "taya" sa isang sugal na kapag dinagdagan mo ng "pala" ang ibig sabihin ay laging ginagawa. Patunay lamang na maituturing na isang pananalig ang mga ipinapakitang pagsamba ng mga Cebuano sa Santo Niño. Ang kanilang walang humpay na pagpunta lalo na tuwing biyernes ay patunay na katulad sa Diyos ang pag-ibig at pagsamba ng mga deboto sa batang Hesus. Hindi mikukubli ang tibay ng kanilang pananampalataya dahil kitang-kita sa kanilang mga kilos at gawi. Gayun paman, hindi pa rin maiiwasan ang samutsaring katanungan kung bakit matindi ang pananalig ng mga deboto kay Sr. Santo Niño at gaano katibay ang kanilang pananalig sa santo. Bunga nito, ang pag-aaral na ito ay nagnanais na makabuo ng kahulugan ng pananalig mula sa mga deboto ng Sr. Santo Niño. Tinitiyak na masagot ang konsepto ng pananalig, mga karanasan at epekto sa pamumuhay ng mga deboto. Hangad ng pag-aaral na magkaroon ng kongkretong konsepto ukol sa pananalig ng mga deboto sa Sr. Santo Niño upang lubos na mapangalagaan ang halaga ng santo sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino. # II. # Mga Kaugnay na Literatura at Pag-Aaral Nakaangkla ang pag-aaral sa teoriya ng sikolohiyang Pilipino ni Enriquez (1975) na ang perspektiba ng mga Pilipino ay nakatuon sa pag-iisip at karanasan ng pagka-Pilipino. Dagdag pa niya, ang sikolohiyang Pilipino ay isang pag-aaral ng diwa, na ang ibig sabihin ng Pilipino ay tiyak na nagbibigay ng maraming ideya na may esensyang pilosopikal at konseptong sikolohikal mula sa isang motibo tungo sa mabuting pag-uugali. Tunay ngang ang pag-aaral ng sikolohiya nagkakaroon ng puwang ang mga usapin ukol sa papaano mag-isip ang isang tao at kung papaano naapektuhan ang kanyang mga kilos at gawi sa kanyang pag-iisip. Sabi pa ni Enriquez (1992), ang sikolohiyang Pilipino ay batay sa pagtatasa ng historikal at sosyo-kultural na realidad, pag-intindi sa lokal na wika, pagbunyag sa mga katangian ng Pilipino at pagpapaliwanag nito sa mga Pilipino. Dagdag pa rin niya, ang tuon ng pag-aaral nito ay pagkilala sa pambansang identidad, kamalayan, ugnayang panlipunan, at sikolohiya ng wika at kultura. Ibig sabihin ay saklaw ng pag-aaral ang sining, agrikultura, relihiyon at iba pang gawain sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Patunay lamang na sa pag-aaral ng sikolohiya ay kaakibat ang pananalig ng isang tao dahil bahagi ito ng kung anumang relihiyon ang isang tao. Salamin ang pagkatao ng isang tao sa kanyang taus-pusong pananalig at pagpupuri sa Diyos. Bawat relihiyon may kanya-kanyang paraan ng pananalig sa Diyos. Kung Kotoliko Romano ang paguusapan, kilala ito sa pagsamba ng iba't ibang Kilala Niño sa Cebu bilang patron na naghihimala at libu-libong katao ang nagdedeboto rito. Isa sa mga uri pangunahing ang relihiyon (Salazar 1985). Bahagi ng pag-aaral ng sikolohiya ang relihiyon dahil iba-iba ang paraan sa pagpapakita ng pananalig sa Diyos. Ang pananampalataya ng tao ay naaayon sa oryentasyon sa kanyang relihiyon. Ito ang tinaguriang pakikiisa ng tao sa Diyos. Ang kanyang pag-alay sa sarili na buong-buo at walang pag-aalinlangan ay isang salamin ng pananampalataya. Sabi ni Benedict XVI, ang pintuan ng pananampalataya ay laging bukas para sa atin, inihahatid sa pakikipag-isa sa Diyos at nag-aalok ng daan ng pagpasok sa kanyang simbahan. Itinuturing na isang templo ng Diyos ang sarili na kinakailangang alagaan hindi lang ang katawan pati ang kaluluwa nito. Ibig sabihin ay laging kasama ng pananampalataya ang paniniwala sa Diyos at dalisay na pagtupad sa utos Niya. Kung kumikilos ka ayon sa kanyang kagustuhan ay nagpapakita na may malugod kang pananalig sa Diyos. Sa katunayan, sinasabi ng iba na kung malapit ka sa Diyos ay laging sinusukat ang iyong pananampalataya. Sa katesismong pananaw naman ay isinasaad na malaya, makatwiran, sa mapanindigan, buo at personal na pagtugon sa Diyos, o ang tuwirang ipinahayag na katotohanan na pinaniniwalaan sa pamamagitan ng espiritu santo. Ang pakiramdam na ligtas ka sa lahat ng panahon ay patunay na kasama moa ng mahal na espiritu santo. Madalas itong maririnig mula sa matatanda na magdasal ka upang gabayan at protektahan ka ng banal na espiritu santo. Sa Biblikal na perspektiba ay itinuturing ang pananampalataya bilang pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita (Hebrew 11:1). Hindi kailangang makita kung talagang buo ang iyong tiwala sa Diyos. Ang tanging makapagsasabi na tunay ito kung naranasan mo talaga ang isang bagay na nagpapakita na may Diyos. Sa pagaaral na ito ay aalamin kung anong naunawaan ng mga piling deboto sa konsepto ng pananalig at paano napagtitibay ang kanilang pananalig sa bawat pakikibugno sa buhay. Bawat tao ay may kanya-kanyang karanasan na ikinatatangi sa iba. Ito ang nagdadala sa tao upang maging matatag at malakas sa pagsuong sa buhay. Hindi man mabiling ang mga pagkakataong nalugmok ngunit patuloy na bumangon upang harapin ang panibagong bukas. Ang Diyos ay nagsisilbing sandigan ng tao sa pakikibaka sa buhay. Hindi mapatid ang mga pagkakataon na gusto ng bumitaw subalit laging nandyan ang Diyos. Dito nararamdaman ng tao na buhay ang Diyos at bahagi ng kanyang kanyang pagdanas ng kalungkutan o kaligayahan. Ayon kina Reyes at Bullecer (2016) ang karanasan ay ibinahagi at napag-alaman na ito ay nabuo sa katagalan ng pakikilahok at kinalakihan na rin. Pinaniniwalaan na ang karanasan ay bunga ng pakikihalubilo at pakikisama sa kapwa. Malaking impluwensya rin ang kinagisnan o lugar kung saan ipinanganak upang mahubog ang kanyang pagkatao. Dagdag pa nina Reyes at Bullecer (2016) ang pamilya ay isa rin sa mga nagpapatibay ng pananampalataya. Anila, ang kahalagahan sa paggawa sana ng pamilya ay maituturing na pangalawang positibong aspeto kasama na rin ng pagkakaroon ng hanapbuhay at pagkakaroon ng mas matibay na pananampalataya sa Diyos. Higit na naging maayos ang hanapabuhay ng pamilya kung dalisay ang pananalig na kung saan pinaniniwalaan din ng mga deboto ng Santo Niño. Mapapansing buong pamilya ay sama-samang pumupunta at sumasamba kay Batang Hesus sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga handog pasasalamat. Ang lahat ng mga natatanggap na grasya ay pinasasalamatan din kaya binalik-balikan talaga ang Santo Niño. Ang mga patron at santo ay binigyang -pugay at respeto para sa sagisag ani na ibinigay ng nakaraang tao at hiilingin na mayroon pang mas masaganang ani para s susunod pang taon (Reyes at Bullecer 2016). Malaki ang epekto ng pagsagot sa mga hiling ng mga deboto kaya patuloy ang kanilang pananalig sa santo. Samutsaring bunga ang naganap sa paniniwalang ibinigay ng santo ang hiling ng tao. Hindi maikakailang maraming pumupunta sa simbahan ng santo dahil daladala ang pag-asa na matutupad ang hiling. Makikita sa kanilang mga mata at ngiti sa labi pagpasok at paglabas sa simbahan ang lubos na pagmamahal sa santo. Walang katulad ang nadarama sa sobrang ligalig na naisambit ang laman ng mga puso. Ito ay iilan lang sa mga naidudulot ng pagpunta kay Santo Niño. # III. # Mga Layunin ng Pag-Aaral Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na makabuo ng kahulugan ng pananalig mula sa mga deboto ng Sr. Santo Niño. Tinitiyak na masagot ang 1) kahulugan ng pananalig; 2) mga karanasan; at 3) epekto sa pamumuhay ng mga deboto. Hangad ng pag-aaral na magkaroon ng kongkretong konsepto ukol sa pananalig ng mga deboto sa Sr. Santo Niño upang lubos na mapangalagaan ang halaga ng santo sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino. IV. # Metodolohiya ng Pag-Aaral Gumamit ng deskriptibong kwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Mga deboto ng Sr. Santo Niño ang pinili upang malaman ang kahulugan ng pananalig. Nagsagawa ng impormal na panayam sa pamamagitan ng patanong-tanong at pakikipagkaibigan sa limang deboto. Gumamit ng Cebuano sa pagsasalita upang maging natural ang dating ng pakikipag-usap at mas makakapagpahayag sa sarili ang nakapanayam. Ang limang deboto na nasa limampu hanggang pitumpo ay tuwing Biyernes pumupunta sa simbahan dahil panata nila ito sa batang Hesus. Gumamit din ang mananaliksik ng pagmamasid sa paligid upang matiyak ang mga debotong makapanayam. Naging instrumento sa panayam ang pakikipagpalagayang-loob bago ang aktwal na pagtatanungtanong dahil isang mahalagang sangkap ito sa isang katutubong Upang ang totoong sagot ay walang talatanungang ibinigay at pawang ordinaryong pakikipag-usap, pagtanung-tanong at pakikipagpalagayang-loob lamang ang ginawa. Ayon kay Lydia Gonzales (1976), sa isang pagtatanungtanong, walang itinakdang istruktura sa mga tanong at ang pinakamahalagang gabay ng mananaliksik ay ang hangarin ng pananaliksik. Nilalayon ng pagtatanungtanong ang mabigyang-linaw at mapagtibay ang mga impormasyon mula sa limang deboto. Natapos ang panayam na may ngiti sa labi ang matatanda dahil sa daming testimonya nilang sinabi na bukal-loob ang pagbabahagi. Patunay na masaya sila sa kanilang pananampalataya at ipinamamalaki nila ang pagsamba sa banal na Batang Hesus. # V. mga resulta at pagtalakay Naging madali ang paghakot ng tugon mula sa limang deboto dahil ordinasyong pakikipag-usap lang ang ginawa. Ang bahaging ito ay naglahad ng mga tugon ng limang deboto ukol sa kanilang sariling pananaw sa pananalig, mga karanasang naganap at epekto ng pananalig sa kani-kanilang pamumuhay. Napakalaking tulong ng ginamit na metodo upang maging totoo ang mga sagot ng tagatugon. Ang paghakot ng sagot sa mga suliranin ng pag-aaral ay naging matagumpay. Matutunghayan sa ibaba ang pangkalahatang sagot ng limang deboto ng Santo Niño. # a) Kahulugan ng Pananalig sa Batang Hesus Ang pananalig at pananampalataya ay magkasingkahulugan lamang. Kaya, sa pag-aaral ay malayang ginamit ang dalawang termino. Sinasabing ang pananalig ay isang paniniwala sa isang Diyos o mga Diyos o sa mga doktrina o mga katuruan ng isang relihiyon. Ibig sabihin ay hindi pareho ang pananalig ng tao na maaaring impluwensya ng paligid o sa mga itinuturo sa bahay at paaralan. Sinang-ayunan ito sa perpektiba ni C.S. Lewis ay naniwalang ang pananampalataya ay isa lamang birtud kung saan ay pinanghahawakan ang mga may katwirang ideya sa kabila ng mga saloobin na salungat dito. Talagang nakakaapekto ng kaalaman ng tao ukol sa kanyang pananalig sa Diyos. Umiikot ito sa kanyang pang-unawa kaya siya naniniwala o nanalig sa Diyos. ang pananampalataya ay walang elemento ng pagdududa. Tunay ang pagtitiwala sa Diyos na mangyari ang nais ayon sa kagustuhan Niya. Naliwanagan ito sa ginawang pag-aaral dahil lumitaw na ang pananalig ng limang deboto kay Santo Niño ay dahil sa himalang naganap sa kanilang buhay. Isa-isahin ang ibinigay na kahulugan ng limang deboto na humahantong pa rin sa isang himala. Pananalig bilang pagtitiwala na mangyayari ang inaasahan. Isang santo na sobrang sinasamba. Hindi inalintana ang layo at pagod basta masilayan lang ang maamong mukha ng santo. Naniniwala ang limang deboto na ang Batang Hesus ay isang Diyos na tumutupad ng kahilingan. May tiwala naman sila sa iba pang santo ngunit kung ang Batang Hesus na raw ang pag-uusapan ay iba talaga ang hatid nito. Sabi pa nga ng isa sa mga nakapanayam ay bata kasi siya kaya sobrang lambing at bait sa mga tao lalo na sa mga bata. Itinuturing na isang bata si Santo Niño na madaling lapitan kaya matindi ang kanilang pagtitiwala sa kanya. Bilang bahagi ng pananalig sa santo ay pinupunasan, hinahalikan at nakaluhod habang nagdarasal dahil pinaniniwalaan ng mga deboto na makapagpagaling ang santo sa lahat ng uri ng sakit. Malugod na pag-alay sa mga kahilingan sa Batang Hesus ang laging sambit ng mga deboto. Ipinauubaya na sa santo ang lahat ng posibling mangyari sa kanilang mga pasan na suliranin sa buhay. Pakiramdam nila kapag nakapagsabi ng laman ng puso sa santo kay natamo ang kaluwagan sa isip at puso. Iba ang pakiramdam sa tuwing naipalabas ang nilalaman ng kanilang puso lalo na kapag may malaking problema na kinakaharap sa buhay. Sabi pa nga ng isa, ipinauubaya ko na kay Santo Niño ang lahat lalo na noong nagkasakit ako. At hindi naman niya ako pinabayaan dahil gumaling ako sa aking karamdaman. Habang nagbahagi ang nakapanayam ay hindi maiwasan ng mananaliksik na mapaluha dahil sa sobrang saya na marinig na mayroong ganoon na mananampalataya. Pananalig bilang pag-asa sa buhay. Sinasabing habang may buhay may pag-asa. Gasgas man ang kasabihang ito ngunit hindi pa rin nalalaos dahil ito ang laging pinaghuhugutan ng lakas ng karamihang Pilipino lalo na sa panahon ng kagipitan. Madaling sabihin na may pag-asa pa ngunit kung darating ang pagsubok sa buhay ay mahirap palang bigkasin ito. Sa mga debotong napanayam ay bukambibig nila ang salitang pag-asa. Nananalig ako dahil umaasa na magkaroon ng maginhawang buhay. Maituturing na inaatang na sa santo ang buhay ng mga deboto ngunit sabi nila ay walang masama dahil hindi naman sila nagpabaya at naghihintay na lang sa himala. Ginagawa naman nila lahat upang makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay. Sabi nga ng Diyos ay kumilos ka dahil tutulungan kita. Huwag ipaako sa Diyos ang iyong pananagutan sa mundo. Kailangan mo ring kumilos upang mangyari ang nais mo. Kahit matanda na ang mga tagatugon ay punong-puno pa rin ng pag-asa sa buhay. Hindi daw sila dapat mawalan ng pag-asa dahil nakahanda na raw sila kung ano ang maging bukas. Ang pagtingin sa buhay bilang positibo ay nakakadala sa maaliwalas na pamumuhay. Hindi raw mawawalan ng pag-asa kung may pananalig ka sa Diyos. Ang Batang Hesus ay itinuturing na ring Diyos ng mga deboto dahil iisa lang daw sila. Ang Santo Niño ang nagdarasal tao upang maisakatuparan ang kanilang mga kahilingan. Ang santo ay instrumento para magkaroon ng pag-asang matupad ang mga dasal. Huwag lang daw sumuko at tumigil sa pagdasal bagkus pa at higpitan pa ang pananalig sa Diyos na baling araw ay masagot ang tanging dasal. Pananalig bilang himala ng Batang Hesus. Sa limang debotong nakapanayam ay nabuo ang kolektibong kahulugan ng pananalig bilang himala. Ang paniniwalang mangyayari ang mga dasal at pag-asa na matupad ang hiling ay isang pananalig sa himala. Ang himala ay isang katuparan sa isang kahilingan. Naibigay ang kahilingan na hindi inaasahan dahil ibinigay sa hindi inaakalang panahon. Ang limang deboto ay nakaranas ng himala sa Batang Hesus. Ang pagdarasan nang taimtim ay nagbubunga ng kaluwalhatian sa pakiramdam. Sinabi nila na hindi naman sa umaasa sa himala ngunit talagang nangyari ito sa buhay nila. Kung kaya, nananalig sila dahil tunay na natupad ang kanilang dasal at hindi lang puro sabi-sabi. Ang pagkaranas mismo ng pangyayari ay mas lumalim pa ang kanilang pananlig sa Santo Niño. Ang isa sa mga deboto ay nagsabi na maraming beses na akong nakaranas ng himala ni Santo Niño kaya palagi akong pumunta rito para magpasalamat sa kanyang ipinagkaloob. Hindi ako magsasawang pabalik-balik dito dahil masaya ako sa aking ginagawa. Sa katunayan ay nabanggit niya na mula pagkabata ay palagi siyang dinadala ng kanyang ina dahil mahigpit din ang pananalig ng kanyang ina. Dagdag pa niya ay siguro naimpluwensyahan ako ng aking ina sa pananalig kay Santo Niño dahil namulat akong nasilayan ang mukha ng santo. Malinaw na ang pananalig ay nakasandig sa kung ano ang karanasan ng mga deboto sa Santo Niño. Naging malalim ang pananalig nila dahil sa totoong kaganapan na nagpapakita ng isang himala. Samakatuwid, ang kahulugan ng pananalig sa pag-aaral ay nakabatay lang sa sariling pananaw ng limang deboto. Kapuna-puna na halaw sa tunay na pangyayari sa buhay ng mga deboto ang kanilang mga sagot. Ang pananalig sa kanila ay tumibay pa lalo dahil sa mga natanggap na biyaya mula sa Santo Niño na itinuturing nilang pinakamalaking himala sa tanang buhay. Sa kadahilanang hindi inaakalang maganap ang hindi kapani-paniwalang pangyayari sa kani-kanilang buhay. # b) Karanasang Ipinagkaloob ng Batang Hesus Bawat tao ay may kanya-kanyang karanasan sa buhay na siyang humuhubog sa ganap na pagkatao. Anuman ang karanasan ng isang tao sa pakikibugno sa buhay ay naging behikulo sa pagtamo ng mga mithiin nito. Isang pagpapatibay ng sarili at pagkamit ng pansariling kalinangan at kaunlaran ang pagkakaroon ng maraming karanasan sa buhay. Hindi matatawaran ang kakaibang karanasan ng mga deboto kay Santo Niño sapagkat naging susi ito upang magbago ang kani-kanilang pananaw sa buhay. Nahuhubog ang karanasan ng mga deboto sa tulong ng samutsaring pagpapakita ng presensya ng santo sa kanilang buhay. Masasabing nagpapakita ng santo kung may naganap sa kanilang buhay na hindi inaasahang mangyari. Pinatutunayan ito sa lahat ng ibinahagi ng mga deboto sa ginawang panayam. Nahahati sa tatlo ang pagtalakay sa resulta ng pag-aaral ukol sa karanasan ng mga deboto kay Batang Hesus. Karanasang Ipinagkaloob ng Batang Hesus ang kanilang mga kahilingan. Nangangahulugang sila ay naniniwala na makapangyarihan ang Batang Hesus na parang Diyos dahil lahat ng kanilang dasal at hiling ay natupad. Kaya raw sila pabalik-balik dahil iyon ang kanilang panata kung ibibigay ang kanilang hiling. Nagkaroon ng matinding karamdaman, hindi na makalakad ang isa sa mga nakapanayam ngunit nang inialay niya kay Santo Niño ang kanyang sakit ay untiunti siyang gumaling. Nang siya'y gumaling ay bumalik siya dahil gusto niyang pasalamatan ang santo at bilang ebidensya ay ibinigay niya sa kumbento ang kanyang dalawang saklay na kung saan makikita ito sa museum ng simbahan. Sabi pa niya hindi siya magsasawang pabalik-balik sa simbahan hanggang buhay pa. Pagkaroon ng payapa at maginhawang buhay ng mga anak sa kabila ng hirap sa buhay. Bata pa lang ang isa sa mga deboto hanggang nag-asawa ay bumibisita siya sa santo tuwing Biyernes dahil pakiramdam niya ay magaan ang kanyang kalooban matapos makapagdasal sa santo. Hindi niya inakala na mapagtapos niya ang kanyang mga anak sa pag-aaral at magkaroon ng maayos pamumuhay ang kanyang mga anak. Ito ang lagi niyang ipinapagpasalamat sa tuwing pumunta siya sa simbahan at higit sa lahat ang pagkakaroon ng malusog na katawan sa kabila ng katandaan. Sobrang tuwa habang ibinabahagi ng isa sa mga nakapanayam ko ang kanyang ideya ukol sa pananalig sa santo. Ayon sa kanya ay tumibay pa lalo ang kanyang pananalig nang binigyan ng pangalawang buhay pagkatapos maaksidente sa sariling sasakyan. Ang akala niya ang patay na siya dahil tumilapon siya nang sobrang layo mula sa sasakyan sa damuhan kasama ang Santo Niño na katabi niya sa lugar na kung saan siya tumilapon. Laking gulat niya dahil maliliit na galos at sugat lang ang natamo sa katawan. Nagawa pa niyang bumalik sa sasakyan at nagmaneho pabalik sa kanilang tinitirhan. Ito ang dahilan kung bakit tuwing ay pumunta siya upang magpasalamat himalang natamo. Hindi biniyayaan ng anak ang mag-asawang deboto sa loob ng sampung taon kaya namanata sa santo. Sa kanilang pabalik-balik sa pagdasal sa santo ay nagkaroon ng isang anak na nakapagbubuo sa kanila bilang pamilya. May awa ang Diyos, hindi niya ako pinabayaan at natupad ang aking dasal. Totoo ngang kasabihan na kung magdasal ay huwag mawalan ng pag-asa at maghintay lang dahil darating ang panahon na ibibigay ng Diyos ang hiling. Ang mga pangyayaring nabanggit sa itaas ay maliwanag Diyos santo dahil biniyayaan sila ng grasya. Ang karanasang ito ay nagdulot ng mas matibay na pananalig sa santo. Dahil sa ibinigay ang hiling ay higit na naniniwala at sumasamba kay Santo Niño. Karanasang Ipinagkaloob ng Batang Hesus bilang Tagagabay. Sabi nila mayroong tagapagbantay ang tao na isang anghel. Ang pananalig sa kabanalan ng santo na gagabay sa lahat ng gagawin ng mga deboto ay higit na nakapagpalakas ng loob sa kanila. Inaasa nila ang kanilang desisyon sa buhay kay Santo Niño. Naniniwala sila na nagbibigay ng senyales ang santo kung gagawin ba nila ang kanilang mga iniisip. Sabi nila, sa tuwing humihiling ako sa santo ay sinasabi ko sa kanya na ito ang senyales ko kung iyon ay ayon sa kalooban mo. Nagkatotoo naman ang lahat ng iyon kaya naniniwala ako na buhay ang Batang Hesus sa bawat tao. Magtiwala ka lang. Ang pakiramdam na parang kulang kung hindi nakapunta sa simabahan ng santo ay naibahagi rin nila. Kung mayroon silang kahilingan ay inialay kay Santo Niño at kung anuman ang mangyari ay sana pagkalooban ng patnubay. Gaya ng inaasahan ay nangyari naman ngunit may mga pagkakataon na sinubok talaga ang pananalig dahil may mga hiling na hindi natutupad. Kaya, sa tuwing hindi natutupad ay ipinagdarasal na gagabay ang santo kung ano ang tamang landas na tatahakin. Ang limang deboto ay nagsabi na kahit may mga dasal na hindi natutupad ay humihiling pa rin na patuloy na maging patnubay sa buhay na tinatahak. Sa kabila ng hindi natutupad na hiling ay mayroong instrumento ipinagkaloob upang magsabi sa mensahe ng Diyos. Sumasang-ayon sila na may mga pagkakataon na sumuko sila at tumigil sa pagdarasal at may pag-alinlangan sa kanilang pananaliig dulot ng hindi magandang karanasan ngunit may ipinadalang tagapagsalita ang Diyos. Nang dahil dito ay lalong tumibay ang kanilang pananalig at mas naging kapana-panabik ang kanilang mga karanasan kasama ang banal na Batang Hesus. Karanasang Ipinagkaloob ng Batang Hesus sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas. Nasaan nga ba ang pag-ibig? Sa mga nalihis na landas dahil iba ang karanasan sa buhay ay ito ang laging laman ng tanong. Kabaligtaran naman sa mga taong punong-puno ng pag-ibig ang puso dahil nababalot ng pagmamahal. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang kapantay at kapalit. Hindi matatawaran ang pag-ibig na inialay sa kanyang mga anak. Sabi ng mga deboto ay nakaranas nila ng kakulangan at parang walang saysay ang buhay dahil sa daming dumarating pagsubok. Kahungkagan sa puso ay hindi rin nakaligtas sa kanila dahil sa pakiramdam ay natutulog ang Diyos. Pero may mga pangyayari sa buhay nila na nakapagbabago sa kanilang pananaw. Ang poot ay napalitan ng saya at humantong sa pag-ibig na walang hanggan. Sinabi ng isa sa mga nakapanayam na dumating sa punto na hindi na niya matukoy ang tamang landas dahil puno ng poo ang kanyang puso ngunit may hindi inaasahang pangyayari sa buhay niya. Isang babae na asawa na niya ngayon ang nagturo sa kanya upang maging positibo sa buhay. Matagal na niyang hiling na pagkalooban ng babaeng totoong magmahal sa kanya sa kabila ng kanyang kahinaan. Nagkatotoo ang kanyang hiling dahil nakilala niya ang kanyang asawa. Para sa kanya, ito na ang pinakamahalagang hiling na natupad sa buhay niya. Sabi ni Fabrega (2009) ang pagbabalik sa mga ipinagkaloob ay nagsasaad ng pagiging mapagpasalamat, pagbibilang sa lahat ng grasyang natanggap, pagkilala sa mga kasiyahan at pagpapasalamat sa lahat ng mga ipinagkaloob. Ang nosyon na ito nagpapatunay na karaniwang reaksyon ng tao ang pagpapasalamat at pagbabalik sa lahat ng kabutihan ng Diyos. Nagbubunga ito ng kaligayan ng isang tao at pagiging mas postibo pa n tao (Lyubomirsky 2008). Ang pagkaranas ng mga deboto sa pagkatupad ng mga kahilingan ay naging sanhi ng pagkamatibay pa sa pananalig sa Batang Hesus. Naging instrumento ang asawa niya upang mas humigpit ang kapit niya sa pananalig kay Santo Niño na noon ay malabo pa. Ang pag-ibg nga naman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Totoo ang kasabihang ito dahil laging may inuutusan ang Diyos para magturo sa mga taong nalihis ng landas. Ang limang deboto ay natutong magmahal at mahalin pa ang sarili maging ang kapwa dahil sa kabanalang natutuhan sa tuwing nagsimba at dumalaw sa santo. Talagang bahagi sa buhay ng tao ang karanasan. Ito ang tumutulong para tumibay pa ang pagtingin ng tao sa kanyang sarili maging sa buhay. Ang iba't ibang karanasan ng mga deboto kay Santo Niño na matupad ang hiling, nagkaroon ng tagagabay at nahanap ang pag-ibig na wagas ay daan tungo sa matibay na pananalig sa santo. Lumakas ang kapit sa pananampalataya dahil totoong naranasan ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng Batang Hesus. Ang imposible ay naging posible sa kanilang buhay dahil nandyan ang santo. Hindi sila pinababayaan ng santo kaya patuloy ang kanilang pagsamba. # c) Epekto sa Pamumuhay ng mga Deboto Likas na masayahin ang mga Pilipino sa kabila ng mahirap na pamumuhay ay kayang-kaya pa rin nitong ngumiti at tumawa. Ganyan din ang mga Cebuano na kung saan nakikita rin ng mananaliksik sa limang deboto na nakapanayam. Kahit may edad na ay masayahin sila habang nagbabahagi sa kanilang buhay. Ang limang deboto ay nagbunga ng positibo sa buhay, pagkakaroon ng pag-asa at naging matatag sa buhay. Unang talakayin dito ang positibong kaganapan sa pamumuhay ng mga deboto. Positibong dulot ng Pananalig sa Batang Hesus. Gaya ng inaasahan ay masarap pag-uusapan ang positibong aspeto ng pamumuhay ng tao. Sa buhay ng mga deboto ay masaya nilang ibinahagi ang mga magagandang epekto ng pananalig sa santo. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay tuwing ay nangunguna sa kanilang ibinahagi. Hindi nila ikinakaila na kung maraming masasayang kaganapan sa buhay nila ay katumbas nito ang kalungkutan. Gayunpaman ay hindi sila nadadala at naging mas positibo pa ang pagtingin sa buhay. Madalas nilang ginawa kung malungkot na ay pagtatawanan ang problema. Naging mas malawak ang kanilang pang-unawa kung may kinakaharap na suliranin sa buhay. Madalas nilang ginawa ay ibinahagi sa iba at kung may panahon ay ipinahayag sa harap ng santo. Ang ginawa nila ay magtirik ng kandila, magosaryo at lumuluhod patungong altar ng santo. Kaya pala maraming nakikita ang mananaliksik noong bata pa na matatandang lumuluhod papuntang altar. Kasunod nito ay naging mas mahinahon at mahaba ang pasensya sa pagdala sa buhay. Madaling bumangon kapag nadapa at idinulog ang problema sa santo. Nakasanayan na ang ganitong gawi na ibinahagi sa santo ang problema. Hindi maiiwasan na hindi pa man nasolusyunan ang isang problema ay mayroon na namang panibago kaya sa ganitong sitwasyon ay mas naging maluwag ang pagtingin ng mga deboto. Ang huli, maraming nangyari na taliwas sa nais ng mga deboto subalit hinarap nila ang mga ito. Nakagawian na ang pagbisita sa tuwing Biyernes at ang miyembro ng pamilya o mga anak sumama na rin sa pagsabi na Batobalani sa gugma, sa daang tao palangga. Ito ay isang paghatid ng pagsamba sa santo na ibig sabihin ay ang santo ang simula ng pag-ibig ng lahat ng tao sa mundo. Dagdag pa nito ay patuloy na pagkaloob ng mga kahilingan na ayon sa mga deboto ay ibinigay ng santo. Kaya, hindi rin silang magsasawang pabalik-balik sa pagsimba at pagsamba sa santo bilang pagbalik sa lahat ng ipinagkaloob sa kanila. Ayon kay Beckett (2015) ang prinsipyo ng pagbalik sa lahat ng mga bagay na ibinibigay sa tao ay nasa dugo na ng tao lalo na sa mga Pilipino. Nangangahulugang ang mga deboto ay nakadikit na sa kanilang buhay ang pananalig sa santo na naging mabuti ang takbo ang kanilang pamumuhay kung nananalig. Ito ay naging sanhi rin sa pagiging positibo sa buhay na lahat ng bagay ay may dahilan at lahat ng problema ay may solusyon. Pag-asa sa Pananalig sa Batang Hesus. Hindi perpekto ang tao kaya hindi maiiwasan na makagawa ng pagkakamali. Ang mga deboto ay patuloy na umaasa sa santo. Una, dahil sa pagtitiwala na ipinagkaloob ng santo ang mga dasal ay umaasa na lang sila sa himala. Sabi pa nga nila, bahala na si Santo Niño dahil naniniwala ako na ipagkaloob niya ang aking kahilingan sa tamang panahon. May luha pa sa mga mata nang ibinahagi ng isa sa mga deboto ang kanyang paniniwala nang dahil sa pinaparanas ng santo sa kanya. Pangiti-ngiti at palingo-lingo pa niyang naalala ang nakaraan na hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala na matagumpay ang kanyang negosyo. Kaya, sobrang nagpapasalamat sa santo dahil naging dito siya kumapit noong panahon ng kagipitan. Sinabi niya na matagal man niyang sinagot ang aking mga dasal ngunit sobra-sobra naman sa aking hiling. Parang ayaw na niyang mabuhay noong panahong iyon dahil sa sobrang kahirapan. Punongpuno pa siya ng utang at hinahabol na siya sa pinagkakautangan. Binabalot na siya ng sobrang insekyuridad sa sarili at muntik nang nawasak ang binuong pamilya. Gayunpaman, hindi siya sumuko at patuloy siyang nananalig at nagdarasal sa santo na baling araw ay giginhawa rin ang kanyang pamilya. Sa nabanggit na senaryo ay malinaw na ang kanyang matibay na pananalig na magkaroon ng kaginhawan at hindi bumitiw at patuloy na umaasa ay siyang naging sanhi ng pagkatupad ng kanyang kahilingan. Ipinapakita lang na ang bukal na dasal sa Batang Hesus ay naging daan sa katuparan ng kahilingan ng deboto. Pagsisikap sa buhay ng mga Deboto. Ang pagiging matibay sa pananalig ng mga deboto sa Santo Niño ay siyang nagsisilbing tulay sa pagtuloy na pakikibugno sa buhay. Hindi tumigil sa pagpapasalamat sa lahat ng grasyang ipinagkaloob at nagiging mas matatag pa ang pagsisikap sa buhay. Anya ng isang deboto, Bawat Biyernes akong pumunta at nagtirik ng kandila upang ipagdasal aking pangarap sa buhay. Mula pagkabata ay nakagawian ko ng idaan sa dasal kay Santo Niño ang ninanais ko sa buhay. Parang may kulang kung hindi ako makadalaw sa kanya. Naglalarawan lang na bahagi na sa buhay ng deboto ang pagsamba at pagpunta sa simbahan upang magalay ng dasal sa santo. Ipinapakita lang na matibay ang paniniwala niya sa santo mula pagkabata pa mapahanggang ngayon. Bagay na naghahayag ng nakagawian na niya at ang pagkapit sa pananampalataya ay nagdudulot ng katatagang loob niya sa buhay. Ibig sabihin ay ang deboto sa Batang Hesus ay mas tumibay pa ang kanyang pananalig sa kanya. Binanggit din ng deboto na, bawat unang Biyernes ng buwan ay nakagawian ko ng magsimba dito dahil masaya sa pakiramdam kapag nakadalaw ako santo. Ito ay nagsasaad na bukal sa loo bang pagsimba ng deboto at ang kasiyahan sa loob ay isang patunay na maganda ang epekto ng kanyang pananalig sa santo. Sa pag-aaral nina Inocian et # Kongklusyonat Rekomendasyon Batay sa mga inihain na datos ay napagalaman ng mga deboto at nakakaapekto nang malaki sa kanilang pananaw sa buhay. Taglay ng limang deboto ang patuloy na panata tungo sa patuloy na pagtupad ng kanilang mga kahilingan. Habambuhay na nilang kasama ang Batang Hesus dahil hindi kailanman sila pinababayaan sa hirap man o ginhawa. Batay sa nabuong kongklusyon, nabuo ang rekomendasyon ng pag-aaral. Dagdagan pa ang mga deboto bilang tagatugon upang mas maraming datos na makuha at tuunan ng pansin kung paano nakakaapekto sa pananaw sa buhay ang mga himalang naranasan ng limang deboto. # Mga Sanggunian VI. * Figuring Catholicism: An Ethnohistory of the Santo Niño de Cebu JBautista Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints 62 3-4 2014 * Obligations of Religion JBeckett 2015. March 24. 2018 * How Gratitude Change your Life MFabrega 2009. March 23. 2018 * Expressing Gratitude SLyubomirsky 2008. March 23. 2018 * Sikolohiyang Pilipino:A Legacy of Virgilio G RPe-Pua EProtacio Enriquez. Asian Journal of Social Psychology 3 2000 * Señor Santo Niño Devotees' Lived Experiences in a Fluvial Parade RInocian 2016 * Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research 4 2 * Karanasan at Konsepto ng Panata ng Kapistahan ng Ilang Pamilyang Pilipino sa KReyes MaFBullecer The Bedan Journal of Psychology 2016 II * Isang Paglilinaw sa mga Paniniwala at Pagpapakahulugan sa Ispiritwalidad at Relihiyon ng mga Pilipino HYabut DIWA E-Journal Tomo I:DLSU 2013